0

Alam ng StarStruck alumna na si Kris Bernal ang kahalagahan ng paghawak ng pera. Kaya kahit malaki ang kita sa showbiz, hindi ito pinagsasawalang bahala ng dalaga. Kaya naiisip na rin daw ng aktres ang magtayo ng sariling negosyo.

Kuwento ni Kris sa GMANetwork.com, iniisip pa niya kung anong klase ng negosyo ang gusto niyang pasukin.

“May ganun akong plans pero hindi ko pa masabi kung ano talaga yung hilig ko. Kailangan kasi 'pag nag-business ka, yung hilig mo rin, yung gusto mo rin talaga,” saad ng dalaga.

Habang hindi pa siya desidido kung anong business ang papasukin niya, tumutulong muna siya sa kanilang family business.

"So the reason why we travel is because namimili rin kami ng mga bag, that we'll sell it dito sa Pinas. Isa 'yon sa mga business namin. Pero hindi pa siya malago, hindi pa siya masyadong malaki. Tinutulungan ko din sister ko dun. Para lang mayroon lang ako beginner's experience.” saad ng dalaga.
 
Kamakailan napanood sa Basta Everyday Happy ang reunion ng StarStruck batch 1, kaya naman hindi maiwasaan ni Kris na maiingit at sana daw magkaroon din sila ng reunion ng kanyang batchmates sa StarStruck.

Dagdag pa nito, gusto niyang makita ang mga naging close niya sa StarStruck na sina Stef Prescott at Jesi Corcuera.

“Oo, naiingit nga ako. Kasi napanood ko yung Basta Everyday Happy sabi ko nakakainggit din yun, tapos sana hanggang Top 20 or 30 sa batch namin,” anang aktres.

Post a Comment

 
Top