0
Lumabas sa media ang negosyanteng si Emy Madrigal (kanan) upang isiwalat ang diumano'y naging relasyon nila ng singer na si Sheryn Regis. Ayon kay Emy, si Sheryn ang nanligaw sa kanya.
PHOTO: COURTESY OF EMY MADRIGAL / RUEL J. MENDOZA

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang makatanggap ng impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa diumano'y pakikipagrelasyon ng singer na si Sheryn Regis sa kapwa-babae.
Noong una ay tila hindi makapaniwala dahil sa pagkakaalam namin ay may asawa't anak na ang tinaguriang "Crystal Voice of Asia" at masaya na itong naninirahan sa U.S.
Ngunit ayon sa isang source, na naging malapit daw kay Sheryn noong contestant pa lang ito sa Star In A Million, totoo ang impormasyong nakarating sa PEP.
Hanggang sa lumitaw na ang babaeng nakarelasyon ni Sheryn at nagpa-interview na sa media.
Ito ay si Emy Madrigal, isang negosyante na madalas daw bumiyahe sa Amerika.
Nakausap siya ng PEP at iba pang miyembro ng media sa Congo Grille restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, May 23.
Dito ay idinetalye niya ang naging relasyon diumano nila ni Sheryn.


THE REVELATION. Paano sila nagkakilala ni Sheryn?
Lahad ni Emy, “Ipinakilala siya sa akin ng pamangkin ko.
“Noong time na sumali si Sheryn sa Star In A Million, nasa US pa ako noon. Hindi ko pa kilala si Sheryn noon.
“Pero ayon sa pamangkin ko, eager naman daw si Sheryn na makilala ako.
“Marami kasi siyang naikuwento kay Sheryn tungkol sa akin. Ako naman, gusto ko rin siyang makilala.”
Si Sheryn ay naging runner-up ni Erik Santos sa singing search ng ABS-CBN na Star In A Millionnoong 2003.
Pagkatapos nito ay naging regular performer siya sa ASAP sa loob ng maraming taon.
May panahong bigla na lang nawala sa sirkulasyon si Sheryn, at nabalitaang nagpakasal na pala ito at naninirahan na sa Amerika.

Nitong January 2014 ay muling napanood ng mga Pinoy si Sheryn sa pamamagitan ng pagge-guest nito sa iba’t ibang music programs, sa pag-asang ma-revive ang kanyang singing career.

Post a Comment

 
Top